FALSE

Sa isang post noong April 7, isinaad daw ni Vice President Leni Robredo na “[K]ung kailangan magbuwis ng buhay ng libo libong sundalo para makuha natin ang scarborough shoal, then so be it. ‘Pag sundalo ka, ready ka dapat mamatay anytime para sa bayan. Without the shoal, we are poor. We should be rich.”

Ito ay hindi totoong sinabi ni Robredo, kundi isang pag-edit lamang sa isang post ng Kami.com.ph Facebook account, isang media/news company. Ang orihinal na pahayag ni Robredo ay ang kaniyang panghuling pahayag noong pangalawang PiliPinas Debates 2022 April 3, 2022. Ang pahayag na ito ay tungkol sa pag-asa at kung bakit siya ay karapat-dapat na maging susunod na pangulo.

Ang huling panayam ni Robredo tungkol sa West Philippine Sea ay noong January 2022 kung saan isinaad niya na bukas siya sa joint exploration activities kasama ang China kung tatanggapin ng China ang arbitral win ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands noong 2016.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Checks:

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.