Ayon sa isang post ng Twitter netizen, ‘brainchild’ umano ni dating first lady Imelda Marcos ang Manila Baywalk Dolomite Beach. Ito ay kulang sa konteksto. Walang batayan na nagpapatunay na may koneksyon kay Gng. Imelda ang Dolomite Beach project ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
White sand beach ni Imelda
Sa ilalim ng administrasyong Marcos, maraming ipinatayong pampublikong gusali at cultural landmarks, ngunit ang mga proyektong ito ay naglikom ng malaking utang hanggang mapatalsik sila noong 1986. Kasama sa mga proyektong ito ang plano ni Imelda Marcos na magsagawa ng ‘reclamation’ ng Manila Bay sa pamamagitan ng pag-convert nito sa isang white sand beach sa likod ng CCP Complex.
Inutang na imprastraktura
Bagamat maraming naipundar na proyektong imprastraktura, tulad ng Cultural Center of the Philippines (CCP), Manila Film Center, Philippine International Convention Center, at iba pa, utang panlabas ang ginamit ng mag-asawang Marcos upang pondohan ang mga ito. Mula $360-M noong 1961, lumobo ang utang panlabas ng bansa hanggang $28.3-B noong 1974, bago pa man ideklara ang batas militar.
Build Build Build Program at Edifice Complex
Ang pagpapapundar ng mga gusali ng mag-asawang Marcos ay inihahalintulad sa kasalukuyang administrasyon na maraming ring ipinatayong imprastraktura sa kasalukuyang panahon sa ilalim ng BBB program ng administrasyon ni outgoing President Rodrigo Duterte.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.