NEEDS CONTEXT

Ayon sa isang Facebook post ni Senador Imee Marcos, nagtagumpay raw ang Masagana 99  (M-99), ang programang agrikultural ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ‘Ika nito, “Masagana 99 briefly succeeded for the simple reason that the program provided small, marginal farmers access to a package of technology without which it is impossible to grow decent, profitable crops of rice.” 

Ito ay kulang sa konteksto. Ang konsensus ng maraming mga eksperto at mga mananaliksik ay mayroong “short-lived” na tagumpay ang M-99, ngunit mas maraming long-term na negatibong epekto iito para sa kapaligiran, mga magsasaka, sektor ng agrikultura, at pangkabuuang ekonomiya ng Pilipinas.

M-99 legacy: utang at bankruptcy
Ang M-99 ay programang agrikultural ni Marcos. Ito ay sinimulan noong 1973 at naglalayong pataasin hanggang 99 cavans, o 4.4 tonelada, ang produksiyon ng palay sa pamamagitan ng paggamit ng modernong irigasyon, imprastraktura, at iba pang teknolohiya. Nilayon ng M-99 na gawing self-sufficient sa bigas ang bansa upang solusyonan ang rice shortage noong 1972

Landowners, nakinabang; magsasaka, nabaon sa utang
Naging problematiko ang M-99 sapagkat hindi ito naging sustainable para sa sektor ng mga magsasaka at mangagawang agrikultural. Bagkus, mas nakinabang pa ang mga landowners sa programa. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Social Science Council noong 1981, dahil sa kakulangan sa isang epektibong programa para sa reporma sa lupa, hindi tumataas ang produksyon sa pagsasaka. Dahil nagbabayad pa ang mga magsasaka ng porsyento ng kanilang output sa mga landowner, hindi rin nila mabayaran ang loans na ipinamahagi ng programa.

Dominguez: M-99 nagsara ng 800 bangko, walang export
During the Masagana 99 in the 70s, there was also an effective use of commercial banks, rural banks and even cooperative banks and I believe that scheme would truly work,” dagdag ni Marcos.

Sinagot naman ito ng dating Secretary of Agriculture na si Carlos Dominguez III. Ayon sa kaniya, maraming rural banks daw ang nalugi dahil sa M-99. “I was the Secretary of Agriculture who cleaned up the mess that was left by Masagana 99. There were about 800 rural banks that were bankrupted by that program and we had to rescue them,” sabi nito. 

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Checks:

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.