NEEDS CONTEXT

Habang mapayapa ang naging eleksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hindi dapat isantabi ang nangyaring pagpaslang sa tatlong miyembro ng barangay peacekeeping action team (BPAT) sa Buluan, Maguindanao. Ito ay nangyari rin sa bayan ng Malabang sa Lanao del Sur, kung saan tatlong buhay ang nasawi, habang dalawa ay sugatan noong nagkaroon ng pamamaril sa isang voting center. May isang kaso rin ng pagtapon ng rifle grenade sa isang covered court sa Datu Piang Elementary School sa Barangay Buayan, bayan ng Datu Piang. Ito ay nag resulta sa anim na mamamayang sugatan. Nagkaroon rin ng pagsabog sa Datu Unsay, at siyam naman ang naiwang sugatan.

Ayon sa COMELEC, nagkaroon rin ng ‘failure of elections’ sa iba’t ibang barangay mula sa Lanao del Sur. Isa na rito ang Barangay Ragayan sa munisipalidad ng Butig dahil ang opisyal na balota ay nanakaw at hindi na ito muling nakuha. Ito ay namataan rin sa Barangay Pindolonan mula sa munisipalidad ng Binidayan dahil sa kaguluhan na nag resulta sa pagkasira ng mga VCM at balota. Nagkaroon naman rin ng kaguluhan, karahasan, at pagbabanta sa Barangay Tangcal sa munisipalidad ng Tubaran.

Maliban sa mga insidenteng natala, dapat rin pagtuunan ng pansin ang mga irregularities na naiulat ng International Observer Mission (IOM), na nagsasaad ng mataas na lebel ng vote-buying, red-tagging at pananakot.

Read the full story on UP sa Halalan.

UP sa Halalan 2022 aims to build and enhance the network of academics, researchers, and stakeholders from the UP Community by providing the space and opportunities for public discussions leading to and/or during the 2022 Philippine national elections, through a variety of organized events and fora. Furthermore, this publicly accessible web portal serves as a repository of contents related to elections and Philippine politics that will provide media groups, civil society groups, political parties, and the general public relevant information about elections, voting, political parties, and issues pertinent to the 2022 elections.

halalan.up.edu.ph