Kumakalat ngayon sa social media ang mga post kung saan nagsasabing makakatanggap ng P35,000 na ayuda ang mga tagasuporta ng tambalang Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte.
Ayon sa post ng isang Facebook account na nagngangalang “BBM Bong Bong Marcos Nation Wide”:
“LAHAT NG NAG MESAAGE (sic) SA AMIN PASOK NA KAYO, MAG-LOG IN SA LINK LARA (sic) MAILISTA ANG PANGALAN MO AT MAKUHA ANG 35K.” Sa ibaba nito ay makikita ang isang link kung saan maaari diumanong magpaparehistro ang mga taga-suporta para makakuha ng P35,000.
Pero kapag binuksan ang link sa naturang post ay mapupunta ang user sa isang website na nagngangalang “DSWD NEWS AND UPDATE.”
Kapag kinlick ang larawang nasa website ay mapupunta ang user sa isang site kung saan kinakailangan i-download ang google extension na “GetSportSearch”
Ang extension na “GetSportSearch” ay isang “potentially unwanted program” o PUP at kasama sa grupo ng mga “browser hijackers,” ayon sa mga anti-virus site. Kapag na-install ito, maaari nang mapalitan ang iyong browser settings nang walang permiso.
Read the full story on ABS-CBN News.