Misleading ang isang YouTube post na patanong na sinabing nadiskubre raw ni Prof. Clarita Carlos ang planong dayain ang mga survey para tumaas si Vice President Leni Robredo at ‘di mahalata ang pandaraya sa Mayo 9.
Ginamit nitong batayan ang Facebook post ni Carlos noong Marso 9 kung saan niya sinabi ang sumusunod: “EVIL plan to cook survey numbers to justify cheating on May 9…dire consequences…sama sa lasa!” Subalit hindi nito binanggit si Robredo o sinumang kandidato.
Hindi rin ipinaliwanag ni Carlos ang batayan ng kaniyang post.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.