Misleading

Ayon sa isang post ng isang netizen sa Facebook, ipinapahiwatig umano sa isang clipped video ni outgoing Vice President Leni Robredo na sinasabi raw nitong lahat ng 31 milyong botante na pumabor kay presumptive President Bongbong Marcos ay “trolls.” Ito ay misleading, sapagkat walang ipinahayag si Robredo na lahat ng 31 milyong bumoto kay Marcos sa halalan ay trolls. Kundi, isinaad lamang nito na walang binayarang trolls ang kaniyang kampo.

Kumalat sa social media ang isang clipped TikTok video ni Robredo kung saan sinabi nito na “Talo natin sila, kahit na mas konti tayo, kasi tayo, totoong tao. Wala tayong binabayaran na trolls. Ang kumakampi sa atin, lahat, galing sa puso.” Kung iintindihing maigi ang naturang video, walang explicit na claim si Robredong tinutukoy ang 31 milyong botante. Isinasaad lamang nitong “totoong tao” ang kumakampi sa kampo niya.

Bongbong, trolls, at pagkapanalo sa halalan 2022
Bagamat hindi aabot sa 31 milyon ang binabayaran nitong trolls, ayon sa mga pag-aaral, hindi maipagkakaila na gumamit ang kampo ni Marcos ng troll operations upang hulmahin ang imahe nito sa social media. Ilang taon umano ang ginugol ng kampo nito sa paglikha ng isang bagong naratibong pumapabor sa kanilang pamilya.

Noong nagdaang eleksiyon ngayong 2022, gumamit ang kampo ni Marcos ng isang network ng online trolls na responsable sa cross-posting ng pro-Marcos content sa Facebook, YouTube, TikTok, at iba pa. Ayon sa mga disinformation experts at mga akademiko, tinrabaho ng troll networks na ito ang pagpapalaganap ng disinformation sa social media upang makapanlinlang at maging paborable ang resulta kay Marcos. Binuo ng mga ito ang naratibong taliwas sa dokumentadong katotohanan ng malawakang katiwalian at karahasan sa ilalim ng rehimen ng ama ni Marcos na si Ferdinand, Sr.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa extensive troll network ni Bongbong Marcos, basahin ang aming Pak Check hinggil dito: https://www.facebook.com/eBotoPH/posts/163804996086543

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.