ACCURATE

Totoong nakapagbigay ng libreng edukasyon sa humigit kumulang na 1.6-million college students ang kasalukuyang administrasyon mula nang nilagdaan ang Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

Sa katunayan, ibinalita ng Philippine News Agency ang pahayag ni Chairman J. Prospero de Vera III na kung isasama sa bilang ang mga iskolar sa DOST at iba pang programa, aabutin ang mga estudyante ng 2-million.

Ilan ang budget na naibigay sa Commission on Higher Education (CHED) noong 2017?
Ayon sa Rappler, nabigyan ng P8.3 billion ang CHED para sa strategic at maayos na pagpapatupad ng Republic Act No. 10931 ukol sa Joint Memorandum Circular. Ngunit, kumpara sa inilabas na report ng Department of Budget and Management na P3.350-trillion, masyading maliit ang budget na ito para sa maraming mag-aaral sa SUCs.

Kaya naman ibinahagi ng Inquirer ang pahayag ni former Sen. Bam Aquino, ang principal sponsor at isa sa mga nag co-author ng batas, ang sagot nito sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte, “I wish to thank the President for signing the free college tuition into law. Congratulations to my fellow lawmakers and everyone who supported this policy.

Ano ba ang Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA)?
Ayon sa Official Gazette, ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act o mas kilala sa pangalang ‘free tuition fee law’ ay naipatupad bilang isang batas ng taong 2017. Layon ng batas na ito na mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga Pilipinong mag-aaral sa 112 State Universities and College (SUCs) na magkaroon ng libreng edukasyon sa kolehiyo. Malinaw na nakasaad sa batas na ito ang prayoridad ang mga estudyanteng wala or kulang ang kapasidad na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.