FALSE

Matapos ianunsyo ni Vice President Leni Robredo sa kanyang “pasasalamat rally” noong Mayo 13 na bubuo ito ng “Angat Buhay NGO,” kumalat sa social media ang isang Youtube video na inihahalintulad ang NGO na ito bilang isang “sariling gobyerno.” Kaakibat nito ang isang deleted Twitter post na nagsasabing isang rebelde at subersibo si Robredo dahil isang “alternate government” umano ang NGO nito. Ito ay walang katotohanan.

Salungat sa mga ito, hindi “New Government Organization” ang Angat Buhay NGO na ilulunsad ni Vice President Leni Robredo, kundi isang Non-Governmental Organization. Ayon sa Cambridge Dictionary, ang Non-Governmental Organization ay isang civic organization na may isang “social or political mission” na hindi kontrolado ng gobyerno.

Sumulpot rin ang isang kahina-hinalang Twitter account na ‘Angat Buhay New Government’ na may handle na ‘@NewGovOrgABF’ na ipinupuntong New Government Organization ang Angat Buhay. Kinundena ito ng kampo ng Bise Presidente.

“Hindi po konektado sa Office of the Vice President o kay VP Leni Robredo ang Twitter account na ‘Angat Buhay New Government o @NewGovOrgABF,” ika ni Robredo. “Wala pong katotohanan ang mga lumalabas sa account na ito, na ang malinaw na layunin ay manlinlang at magpakalat ng maling impormasyon,” dagdag niya.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Check:

No basis to claim that foundation is Robredo’s shadow gov’t

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.