Ayon sa isang retiradong mamamahayag, may koneksiyon daw si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Louis Vuitton CEO dahilan para bumisita ito sa Pilipinas at gawin itong fashion capital ng mundo.
Walang basehan na may koneksiyon si President-elect Marcos Jr. sa pagbisita ng CEO sa Pilipinas. 2018 pa nito sinabi na nakikitaan niya ng potensyal ang Pilipinas bilang isang fashion capital dahil sa malaking exposure ng mga Pinoy sa luxury brands.
Sino nga ba ang CEO ng Louis Vuitton?
Noong Abril 2018, palihim na bumisita sa Pilipinas ang tinaguriang “world’s richest man in fashion” na si Bernard Arnault, ang Chairman at Chief Executive Officer ng Louis Vuitton Moet Hennessy. Sa kaniyang pagbisita, sinuri nito ang branches ng Louis Vuitton sa Greenbelt at Solaire, Manila. Walang basehan na may koneksiyon ang pagbisita na ito kay President-elect Bongbong Marcos dahil administrasyon pa ni Pangulong Duterte ang pangyayaring ito.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.