NO BASIS

Ayon sa isang tweet ni Senator-elect JV Ejercito, pinabulaanan nito ang mga paratang ng ilang netizens na siya umano’y tumayong padrino sa driver ng SUV na nakasagasa sa isang security guard sa Lungsod ng Mandaluyong noong nakaraang Hunyo 5. Walang basehan ang claim na ito at pawang mga “fake news” lamang ayon kay Ejercito.

Pahayag ni Ejercito
Ang nag-viral na video ay nakapukaw ng pansin ni Ejercito, na siya namang nagpataw ng P50,000 na pabuya sa kung sino mang makapagtuturo ng salarin sa naturang insidente. Nagbunga ang kaniyang pagpataw ng pabuya, dahil kalaunan ay napag-alaman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin, na kinilalang si Jose Antonio Sanvicente

Nagpasaring din si Ejercito sa mga netizens na tumatawag sa kaniyang padrino ng salarin. Sa isang tweet ay pinasaringan niya ang fake news peddlers na nagsasabi na di-umano’y anak niya ang driver na sumagasa sa biktima. Nagpahiwatig pa ito sa isang tweet na gusto niyang “upakan” ang salarin dala ng init ng ulo sa mga pangyayari. Iginiit rin niya na hindi sa kaniya sumuko si Sanvicente kundi sa mga awtoridad. Ngayon, nananawagan si Ejercito na maipataw ang hustisya para sa security guard.

Base sa research, walang nag-viral na netizen na nagsasabing ‘padrino’ at ‘tiga-areglo’ si Ejercito. Ang ilang news organizations katulad ng Brigada News, Politics.ph, at TNT Abante ay inulat ang pagkadismaya ni Ejercito sa mga “fake news” ngunit walang opisyal na nahanap na post mismo galing sa netizens na nagsasaad ng claim na ito.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.