ACCURATE

Ayon sa isang tweet ng isang netizen sa Twitter, aabot umano sa kalahati ng forest cover ng Pilipinas ang nawala sa ilalim ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Ito ay makatotohanan. Ipinamahagi ni Marcos ang tinatayang 85% ng kagubatan ng bansa sa kanyang mga cronies, na nagresulta sa pagkawala ng 4 hanggang 7 milyong hektarya ng forest cover ng Pilipinas.

Malawakang deforestation sa ilalim ni Marcos
Bago pa man magkaroon ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos, mayroong 10.5 milyong hektarya ng public forests ang Pilipinas, ayon kay DENR Forest Management Bureau director James Boyce. Ngunit ayon dito, pagkatapos mapatalsik ang dating diktador ay humigit-kumulang 6.5 milyong hektarya na lang ang natira sa kagubatan. Bukod pa rito, ayon rin sa isang analysis paper ng DENR, aabot sa 7 milyong hektarya ng kagubatan ang nawala sa Pilipinas.

Sino nga ba ang nakinabang sa deforestation sa Pilipinas?
Ayon sa Critical Asian studies, ‘relations of patronage’ sa pagitan ni Marcos at mga may-ari ng logging corporations ang pangunahing rason ng deforestation sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ito ay nagsimula nang nilagdaan ni Marcos ang Presidential Decree 705 o ang Forestry Reform Code of the Philippines na nagpasimula ng paggamit sa kagubatan para sa commercial purposes.

Ang pamamahagi ng kagubatan ay pinangasiwaan ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng Timber License Agreements (TLA) na ayon sa DENR ay isang “long-term license… for the harvesting and removal from the public forest of timber and, in appropriate cases, also of other forest products.” Binibigyan nito ang recipient ng TLA ng kapangyarihan na mag-extract ng forest resources sa pampublikong lupang ipinamahagi sa kanila.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.