Maraming kumakalat na balita laban kay VP Leni Robredo na inaakusahan ito na pumunta sa Balesin Island imbes na tumulong sa mga nasalanta ng pag-alboroto ng Mt. Bulusan. Ito ay misleading sapagkat naglunsad ito ng relief operations kung saan sila ay namigay ng tulong sa mga nasalanta.
Mabilis na kumalat ang isang FB post kung saan makikita sa litrato si VP Leni at isang netizen. Ang nasabing post ay may caption na “Look who I chanced upon in Balesin – VP Leni Robredo! Same flight and same villa, what a coincidence!” Sa loob rin ng linggong iyon, nagalboroto ang Mt. Bulusan kung saan agad na naglunsad ng relief operations sa mga nasalantang lugar sa Sorsogon ang Office of the Vice President.
Kasalan sa Balesin
Ayon sa Instagram story ni VP Leni at mga kasapi ng kasal na kanyang pinuntahan, ito ay inimbitahan na maging ninang sa kasal ng kaniyang kakilala. Sa ngayon, hindi na makikita ang Instagram story ni VP Leni pero nai-repost ito sa isang fan base FB group. Ayon sa wedding video na inilabas ng mga kakilala ni VP Leni, makikita siya bilang isang principal sponsor/ninang sa sinabing kasal. Makikita rin sa mga tagged photos sa Instagram ni VP Leni ang mga posts ng mga imbitado sa kasal.
OVP relief ops sa Sorsogon
Kasabay ng isyu patungkol kay outgoing VP Leni sa pagpunta niya sa Balesin Island, binatikos din siya ng ilang netizens tungkol sa pag-post niya ng relief operations para sa mga nasalanta ng Mt. Bulusan. Ayon naman sa post niya sa Twitter na umani ng mga reaksyon mula sa mga tao, “We are currently preparing for our relief operations in Bulusan, Sorsogon and the surrounding areas. Immediate needs are identified are face masks and bottled water. Affected areas for now are Juban and Irosin.”
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.