NO BASIS

Ayon kay Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang interview with DZRH noong Marso 5, 2022, malaki umano ang nagastos sa pag-oorganisa ng Leni-Kiko sortie sa Cavite, “Kagabi ginastusan nila ‘yun, siguro mahina-hina ‘yung mga anim hanggang walong milyon. Kasi nga desperado na. Kasi ang survey sa Cavite, 64-15…”

Ngunit walang nabigay na ebidensya si Remulla para suportahan ang statement niya. Wala ring isinaad na ebidensya si Remulla tungkol sa isa pa niyang pahayag na binayaran ng 500 pesos ang mga umattend ng rally na ito. Isinaad ng isang Cavite board member na si Kerby Salazar at ng Robredo People’s Council na: “Ang pakikilahok sa nasabing rally ay bunga ng nag-uumapaw na paghahangad ng mga Caviteño para sa pagbabago. Ito ay purong “bolunterismo” – walang hinihinging kabayaran at kapalit kundi ang pag-asang maibabalik ang matino, mahusay at may resibong pamamahala sa bayan…”

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Checks:

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.