Ayon sa mga ipinapakalat na larawan, dapat daw lagyan ng guhit sa balota ang mga ayaw nating kandidato upang hindi sila mabilang sa boto. Ito ay MISLEADING! Hindi na kinakailangang markahan ang mga kandidatong hindi iboboto.
Ayon sa COMELEC, kinakailangan lamang sundin ang paraan sa pagboto na nakaimprenta sa balota.
1) Completely blacken the inside of the circle beside the name of the desired candidate.
(2) Use only the marking pen provided for blackening the circles.
(3) Do not blacken more circles that what is intended
Kung walang napupusuang kandidato sa isang posisyon, maaari lamang iwanang blangko ang kanilang mga pangalan upang mag-abstain.
Read the full story on e-Boto.