FALSE

Ayon sa isang Facebook post ng Palawan Star, opisyal na nagpahayag raw si Vice President Leni Robredo ng kanyang pagkatalo sa eleksyon, habang labis na pinasasalamatan ng Marcos-Duterte tandem ang kanilang mga taga-suporta dahil sa napakalaking pagitan ng mga vote count nila at ng mga katunggali.

Malinaw na inilagay sa post ang pahayag na ito, “Kanina ay nag-concede na si Leni Robredo at tinanggap na nito ang kaniyang pagkatalo kay BBM ngayong #halalan2022, habang nagpapasalamat naman kapwa si BBM at Sara sa kanilang mga taga suporta.”

Ang May 10 speech ni Robredo ay nakasentro sa pagpapasalamat at panghihikayat na magpatuloy sa nasimulang adhikaing umunlad ang Pilipinas. Bagamat kinilala ng Bise Presidente ang pangunguna ni Marcos sa partial results ng eleksyon ay hindi pa rin nagpapahayag ng concession si Robredo.

Kung susuriin itong mabuti, tinanggap ni Robredo ang papalapit na resulta ng eleksyon 2022. Kaya naman ito ang kanyang naging pahayag, “Maituturing lang na bigo ang kampanya natin kung hahayaan nating malusaw ang nabuo nating samahan. Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon, walang nasayang. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos, nagsisimula pa lang tayo.”

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Check:

Robredo didn’t concede in May 10 speech

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.