FALSE

Hindi totoo ang diumano’y tatlong quote cards mula sa ABS-CBN News na nagpapakita kay Senador Christopher “Bong” Go na sinasabing nagsisisi siya sa pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t tumutulong na siya ngayon sa International Criminal Court (ICC).

Si Go ay isang dating top aide ni Duterte at kasalukuyang kumakandidato sa pagkasenador. Inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 sa bisa ng arrest warrant ng ICC para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugo niyang drug war campaign.

Ayon sa mga pekeng quote card, sinabi diumano ni Go na “para siyang binudol” ni Duterte kaya’t ngayon ay naghihiganti sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pagsumbong kay Duterte sa ICC.

Ginamit sa mga quote card ang logo ng ABS-CBN News at nilapatan ng tekstong “BREAKING NEWS.” Nilagay din sa mga quote card ang URL ng ABS-CBN website na www.abs-cbn.com pati na ang tekstong “@abscbnnewsupdate.”

Bagama’t tama ang nakalagay na URL, walang social media handle ang ABS-CBN News na gumagamit ng “abscbnnewsupdate.”

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com