
Nagsulputan ang mga post sa social media na gumagamit ng mga lumang materyal para palabasing rally ang mga ito para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Duterte ay kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa the Netherlands matapos siyang arestuhin noong Marso 11, 2025. Humaharap siya sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs kung saan libu-libo ang namatay.
Limang post ang nakita ng ABS-CBN Fact Check na gumamit ng lumang video na walang kinalaman kay Duterte at ang isa ay gumamit ng larawang ginamitan ng Artificial Intelligence (AI).
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.