Pineke ang video ng tagapagsalita ni senatorial candidate Alex Lacson na si Gas Uy habang ipinakikilala niya si Vice President Leni Robredo sa “Dilaab: Bohol People’s Rally” noong Abril 1.
Pinutol-putol at binawasan ang mga salita sa tunay na kuha ni Uy habang ipinakikilala si Robredo sa mga dumalo sa rally.
Nilapatan rin ang video ng mapanlinlang na teksto na nagsasabing “ipinakilala nya Ang Kanyang president.. Anung yari???” at “kakampink ang sigaw BBM.” Pinatungan rin ang audio sa dulo ng video ng “BBM” chant.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.