Hindi totoong napatalsik sa University of the Philippines ang political science associate professor na si Dr. Jean Encinas-Franco matapos diumanong maliitin niya ang tambalan nina President-elect Ferdinand Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Taliwas ito sa paratang ng isang video na unang ipinost ni “JONZ TV” sa YouTube noong Mayo 27.
“I’m still very much an active faculty of our department and as a matter of fact, I am on sabbatical,” pahayag ni Franco sa ABS-CBN Fact Check Team.
Sa YouTube video na may caption na “JUST IN: HALA TANGGAL na! U.P. PROF SIBAK AGAD PAHIYA kay ATTY BRUCE Matapos MINALIIT si SARA-BBM,” maririnig na binabasa ng nagsasalaysay ang isang transcript umano ng interview ni Franco.
Pero ayon kay Franco, pinutol sa naturang video ang buong pahayag niya sa interview sa ABS-CBN noong araw ng eleksyon. Aniya, ang tinukoy niya ay ang mga tagasuporta ng tambalang Leni-Kiko.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.