
CLAIM: Isang video ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte na diumano’y nagrarally sa Netherlands.
RATING: HINDI TOTOO
Nag-post ang isang Facebook user ng video na nagpapakita ng mga taong nagrarally at maling ipinahayag na sila ay mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands.
Sa isang deleted na post, ang video ay naglalaman ng audio ng mga tao na sumisigaw ng pangalan ng dating pangulo, kasama ang inedit na teksto na nagsasabing sila ay mga tagasuporta niya.
Sa pamamagitan ng geolocation, natuklasan ng PressOne.PH na ang tunay na lokasyon ng protesta ay sa Niš, Serbia, at hindi sa Netherlands.
Basahin ang buong kuwento sa PressOne.PH.