Ayon sa panayam ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa isang interview, hindi umano sinunod ng gobyerno ng Pilipinas ang ‘siyensya’ sa likod ng pagpapatayo ng plantang nukleyar dahil sa ‘pulitika.’ Ito ay walang batayan – at ayon sa mga pag-aaral at opisyal na dokumento, ang BNPP ay ipinasara dahil sa ‘health and safety concerns’ at korapsyon dito ng administrasyon ng kaniyang amang si Ferdinand Marcos Sr. at crony nito.
Sabi ni Marcos Jr. sa kaniyang panayam, kailangan daw sundin ang siyensya at ‘di purong pulitika sa pagtatayo ng plantang nukleyar sa Pilipinas ngayon. “It was also political in other places, but in our particular case, the reason why we have no power plant – nuclear power plant at all is pure politics. It did not really follow the science.”
Pero bago pa tuluyang ma-mothball ang pag-operate nito, nauna na itong ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1979. Sabi nito, “the Bataan Nuclear Plant is not safe, and therefore is a potential hazard to the health and safety of the public.”[1] Ang pagpapatigil sa construction ng BNPP ay rekomendasyon[2] ng Commission on Nuclear Reactor Plants na binuo noong 1979 upang pangasiwaan ang pag-inspeksyon sa BNPP dahil sa pag-aalala kaugnay ng nakaraang insidente sa Three Mile Island nuclear reactor sa US.
Kinuwestyon rin ng Nuclear Regulatory Commission (NRC) ng US ang construction site ng BNPP. Nang siyasatin nito ang Westinghouse Electric Corp. – ang napiling contractor para sa proyekto – kinuwestyon ng NRC ang pagpapatayo ng Westinghouse ng BNPP sa Napot Point, Bataan – na ayon sa pananaliksik ay isang lugar na mayroong “great and frequent seismic activity, lies at the foot of a presently inactive volcano, Mount Natib, and is a short distance from a major population center, metropolitan Manila.”
Bukod sa panganib ng lindol at pagsabog ng bulkan, ang kontrata ng Westinghouse at ng administrasyong Marcos ay resulta ng graft and corruption na nakapagkompromisa umano ng safety standards sa pagpapatayo ng planta.
Noong 1973, nag-propose ang contractor na General Electric ng plantang nukleyar sa halagang $500-M. Ang Westinghouse Electric naman ay nag-offer ng $1.1-B na planta sa pamamagitan ng presidential associate na si Herminio Disini. Inaprubahan ni Pangulong Marcos ang kontrata sa Westinghouse kahit na wala pa itong detalyadong proposal.
Read the full story on e-Boto.