Matatagpuan sa isang public Facebook group ang isang clickbait headline na nagpahayag na nagparatang si outgoing President Rodrigo Duterte na nandaya si Sen. Risa Hontiveros nitong Halalan 2022 dahil sa pagpasok nito sa Magic 12. Ang totoo, ginamit lamang ang pangalan ni Duterte para maka-ani ng atensyon, at si dating senatorial cadidate at suspended lawyer Larry Gadon ang nagpahayag ng pagdududa sa pagkapanalo ni Hontiveros.
Taliwas sa nakasaad sa post, walang naging direktang pahayag si President Duterte ukol sa isyu nang pandaraya ni Hontiveros. Sa katunayan, ayon sa Philippine News Agency, malinaw na ipinahayag ng outgoing President na wala siyang nakita na anomang dayaan sa kanyang interview na pinamagatang ‘Talk to the People.’
Maliban dito, binigyang pansin ni Atty. Gadon, na kabilang sa Senatorial slate ni Marcos, ang “illogical earned votes” na nakuha ni Hontiveros. Hindi raw nito lubos maintindihan kung bakit siya natalo ni Hontiveros gayong mayroong 31-milyong Pilipino ang bumoto kay Marcos. Sabi nito, dapat ay malaki rin ang suporta na ibibigay ng mga tao sa ini-endorse na mga Senador ng Presidential aspirant.
Ang lahat ng ito ay tanging spekulasyon lamang ni Gadon. Walang maayos at solidong ebidensya na nagpapakitang nandaya si Hontiveros nitong eleksyon.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.