FALSE

Ayon sa isang Facebook video, sina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at dating alkalde ng Davao na si President Rodrigo Duterte lang daw ang pumunta sa Leyte noong panahon ng bagyong Yolanda. Dagdag pa rito ang isang Facebook post ni Richard Gomez, kasalukuyang alkalde ng Ormoc, Leyte, na si Marcos lamang ang kandidatong tumulong sa Ormoc sa panahon ng mga sakuna. Ito ay walang katotohanan. May naitalang disaster relief aid ang mga kandidatong sina Manny Pacquiao at Leni Robredo sa Leyte, at maraming mga personalidad, organisasyon, ahensya, at celebrities ang tumulong sa mga biktima ng Yolanda.

Matapos ang bagyong Yolanda noong 2013 ay nagpaabot ng tulong ang iba’t ibang mga pulitiko, personalidad, at maging mga celebrities tulad nina Vilma Santos, Ralph Recto, Joseph Estrada,  at dating senador na si Manny Villar. Dagdag pa rito ang tulong pinansyal ng mahigit 60 na bansa at ilang mga organisasyon tulad ng Asian Development Bank, European Union, Organization of Islamic Cooperation, United Nations, at World Bank. Ilang mga lokal at international na personalidad din ang bumisita sa mga biktima.

Noong 2013, si Pacquiao ay nag-abot ng P2.5-M bilang tulong sa Tacloban at P1.5-M naman sa Ormoc. Bumisita rin ito sa mga evacuation center at mga biktima. Noong 2017, si Robredo naman bilang Bise Presidente, ay nag-organisa ng pagpapadala ng shelter materials at psychosocial services sa mga biktima ng lindol sa Leyte noong 2017. Noong 2021 naman, nag-organisa ang volunteers ni Robredo ng relief packs para sa mga biktima ng bagyong Odette. Bago pa man dumating ang Odette, binantayan din nito ang pagdating ng bagyo sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na gobyerno ng mga masasalantang rehiyon.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact-Check:

Ormoc City Mayor Richard Gomez falsely claims that Bongbong Marcos is the only presidential candidate who helped Ormoc City during calamities

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.