Ayon sa isang Facebook post, confirmed daw ng kaniyang source na pink paraphernalia lamang ang dapat dalhin at ipinagbabawal ang Philippine flags sa rallies ni Robredo. Dagdag pa niya, tugma raw ito sa nag-viral na screenshot kung saan pinapagdala lamang ng coordinator ang mga dadalo ng pink flags bukod sa pagbabayad umano sa kanila. Ito ay hindi totoo at una nang itinanggi ng nasabing “coordinator”.
“I have confirmed this from a friend who organized campaigns for two cities: they are asked to only carry pink flags, balloons, and placards… any pink paraphernalia… and are specifically asked to NOT carry the Philippine flag.
It corroborates that viral leaked private convo between someone and a (probably national) coordinator that they’re asking local coordinators to tell people to only carry pink flags. Aside from the alleged payment per attendance of course.”
Nang siyasatin, walang anumang ibinigay na source ang nag-post ng viral FB post sa sinasabi nitong “leaked private convo” sa pagitan ng isang “national coordinator” at “local coordinator.”
Matatandaan na una na ring naglabas ng pahayag ang Lawyers for Leni na walang katotohanan sa viral screenshot na dinadawit sila bilang ang naturang “coordinator” na nagbabayad umano sa mga dumalo at nagbabawal sa pagdadala ng Philippine flags sa mga rally ni Robredo.
Kumakalat po ang screenshot na ito na pinagmumukhang ang Lawyers for Leni ay sangkot sa pagbabayad ng mga sumama sa rally sa Bulacan. Ito po ay pawang kasinungalingan at gawa-gawa lamang.
Read the full story on e-Boto.