Administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr., at hindi ni Corazon Aquino, ang nagpasimula ng kontraktwalisasyon sa Pilipinas. Nilagdaan ni Marcos noong 1974 ang Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines na nagbigay ng probisyon para sa mga employer na gawing probationary ang kanilang mga manggagawa.