Ayon sa isang post ng isang netizen sa Twitter, ‘brainchild’ umano ni dating first lady Imelda Marcos ang Manila Baywalk Dolomite Beach. Ito ay kulang sa konteksto. Walang batayan na nagpapatunay na may koneksyon kay Imelda Marcos ang Dolomite Beach project ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.