Walang batayan ang pahayag ni Ferdinand Marcos Jr. na pinulitika ang Bataan Nuclear Power Plant kaya hindi sinunod ng gobyerno ang ‘siyensya’ sa likod ng pagpapatayo nito. Ayon sa mga pag-aaral at opisyal na dokumento, ipinasara ang BNPP dahil sa ‘health and safety concerns’ at korapsyon ng rehimeng Marcos.