Walang anumang BBM Bill na nakahain sa Kongreso. Plano pa lamang isulong ito ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang katulad ng Bayanihan Bill na stimulus package para maibsan ang epekto ng pandemya sa bansa. Walang sinabi si Romualdez tungkol sa pamimigay ng kahit anong ayuda sa ilalim ng pinaplanong batas.