Ayon sa isang Facebook post, mapapababa umano ng oil deal sa pagitan ni Presumptive President Bongbong Marcos at Russia ang presyo ng gasolina sa Pilipinas. Ito ay kulang sa konteksto. Hindi lamang pag-import ng supply ng langis ang nagpapasya sa presyo ng gasolina. Malaking factor ang TRAIN Law ng administrasyong Duterte, digmaang Ukraine at Russia, at global oil market na nagdidikta ng presyo ng langis.