
May video na kumakalat na nagpapakita ng malakihang pagkilos para ibalik daw sa Pilipinas si dating Pangulo Rodrigo Duterte. Yan ay matapos siyang maaresto sa bisa ng warrant ng International Criminal Court noong March 11, 2025.
Gamit ang fact-checking tools, napag-alaman ng Probe na ang video ay nakunan sa Serbia, hindi sa the Netherlands. Hindi rin ito Duterte protest.
Ang video na nai-post sa Facebook ay may 6.4M views, 47.5k shares, 7.7k comments, at 41k reactions as of March 13.