Ipinahiwatig ng isang netizen sa kaniyang Facebook post na censorship daw ang dahilan kung bakit ipinatanggal ng ABS-CBN sa YouTube ang isang stolen video na naglalaman ng isang interview sa pagitan ni Senador Imee Marcos at ang mamamahayag na si Karen Davila. Ito ay walang katotohanan. Copyright, hindi censorship, ang dahilan kung bakit tinanggal ng YouTube ang naturang interview video.
Copyright, hindi censorship
Ang naturang video, na as of Hulyo 13 ay hindi na ma-access, ay naglalaman ng clipped and edited na portion ng isang talakayan sa pagitan nina Marcos at Davila. Mahigpit na ipinagbabawal ng YouTube ang pag-upload ng mga content nang walang authorization mula sa orihinal na naglathala ng video material na ito, ayon sa copyright policy ng YouTube.
Nakasaad naman sa Terms of Use ng ABS-CBN, ang kumpanyang nag-ooperate sa ANC, na ang mga content nito ay pinoprotektahan ng kanilang polisiya. Ayon dito, “You may not copy, reproduce, republish, disassemble, decompile, reverse engineer, download, post, broadcast, transmit, make available to the public, or otherwise use abs-cbnNEWS.com content in any way except for your own personal, non-commercial use.”
Ayon naman sa isang YouTube video, inedit daw ng ABS-CBN ang bahagi ng orihinal na video sa palitan nina Davila at Marcos. Ito rin ay hindi totoo. Ang video ay matatagpuan pa rin hanggang sa ngayon, Hulyo 14, sa official Youtube channel nito.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.