Sa isang interview sa kaniya ng CNN noong April 18, 2022, inilantad ni presidential aspirant Norberto Gonzales ang sinasabi nitong “vote buying” umano sa ilang mga campaign rally. Sabi nito, kinokolekta raw ang mga cellphone ng mga lumalahok at kapag naibalik sa kanila ay may pera na sa kanilang GCash account. Ito ay walang batayan. Walang opisyal na ebidensyang isiniwalat ni Gonzales upang mapatotohanan ito. Salungat din sa pahayag ni Gonzales, hindi kailangang kolektahin ang mga cellphone upang magsagawa ng GCash transaction.
Vote buying sa eleksyon? Gonzales, walang patunay
Iginiit ni Gonzales sa isang panayam sa kaniya ng The Source ng CNN na mayroong nagaganap na dayaan ngayong halalan sa pamamagitan ng vote buying o ilegal na pamamahagi ng pera kapalit ng boto. “I know for a fact there will be cheating in the next elections,” sabi nito. Nang matanong kung ano ang kaniyang pruweba, sabi ni Gonzales, “You will say I have proof? Ask every governor…as friend, they will tell you, may pera na kami, nakahanda na kami dyan.”
Gonzales: dayaan sa halalan, GCash ang pamamaraan
Nang mapunta sa isyu ng digital vote buying, nagbabala si Gonzales na ginagamit umano ang GCash upang magbenta ng boto – hindi online, ngunit sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga cellphone sa campaign rallies. “Do you know that in some rallies, I will no longer name (candidates) ‘no, cellphones are being collected. Returned after the rally, meron nang GCash na nakalagay doon sa cellphone,” sabi nito.
Wala ring ebidensya na ibinahagi si Gonzales upang mapatunayan ito. Dagdag pa rito, ayon sa step-by-step instructions ng official GCash website ay online ang cash transfer transactions sa mobile app nito.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.