FALSE

May kumakalat na quote card na nagsasabing madadagdagan daw ng 2 taon ang K+12 Program ng bansa. Ayon sa Philstar, ang naturang quote card ay edited at walang anumang pahayag si Duterte hinggil sa pag-usbong ng K+14 Basic Education Program sa bansa. 

Mga pahayag ni VP-elect Sara Duterte tungkol sa Edukasyon at Mandatory ROTC
Iginiit ni Vice President elect-Sara Duterte na hindi siya nagbigay ng kahit anong pahayag tungkol sa pag-usbong ng K+14 Basic Education Program at 2-taong mandatory service sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hangga’t walang pondo na aprobado. Sa naturang quote card na kumakalat hindi rin ng bigay ng statement si VP-elect Sara Duterte tungkol sa pag-amendya ng K to 12 Program at mandatory ROTC service, sabi ng tagapagsalita ni Duterte na si Cebu City mayor Christina Frasco. 

Ang nabanggit lamang sa edited quote card ay ang dagdag 2-taon na mandatory service.  Kaya naglabas rin ng statement ang spokesperson ng kampo ng hinirang na pangalawang pangulo upang bigyang linaw ang isyu. “A quote card has been circulating in social media falsely attributing to Vice President-elect Sara Duterte remarks regarding a supposed proposal to amend the K to 12 Program and the introduction of ROTC and mandatory service in the AFP,” Frasco said in a statement,”  sabi ng kampo ni Duterte.

Kung ating babalikan ang pahayag na ito, noong Enero 19, 2022 ay naging guest si Sara Duterte “sa isang virtual caravan” kung saan pinag-usapan ang topic ng edukasyon at ROTC. Sabi ni Duterte “Hindi po ROTC lang… Dapat po, pagtungtong mo ng (Not just ROTC. When you turn) 18 years old, you’ll be given a subsidy, you’ll be asked to serve our country, doon sa (via the) AFP,”. Dito unang nilahad ni Duterte ang kanyang programa kung sakaling siya ang manalo bilang bise presidente.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact Checks:

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.