Misleading

Ayon sa isang Facebook page na “Philippine Dairy Inquirer,” aksidente raw na naiboto ni Vice President Leni Robredo ang katunggali at presidential candidate na si Bongbong Marcos. Ito ay misleading, dahil ang Philippine Dairy Inquirer ay isang satire na Facebook page.

Walang basehan ang mga SATIRE posts. Ito ay hindi lehitimong balita, at pawang opinyon lang at kadalasa’y biased, pabor, o taliwas sa isang personalidad o kampo.

Sagrado ang balota at tinitiyak ng ating batas na walang makakaalam ng iyong boto bukod sa’yo mismo. Walang pormal na anunsyo kung sino ang ibinoto ni VP Robredo sa mismong halalan, kaya ang post ng satire page na Philippine Dairy Inquirer ay walang basehan at pawang satire lang.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.