Misleading

Ang nag-file ng electoral protest laban sa President-Elect Bongbong Marcos ay ang mga civic leaders at human rights victims. Walang kaugnayan dito si outgoing Vice President Leni Robredo. 

Naglabas ang isang pro-Marcos Youtube channel ng isang video noong Mayo 19, 2022, kung saan ibinalita dito na pumunta si Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema upang patalsikin ang proclaimed Philippine President na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ipinakita sa video ang mga katagang “Robredo pumunta sa Supreme Court para patalsikin agad sa pwesto si BBM? Galawang bobo talaga si Leni at Kiko. Panoorin natin ang buong balita.” 

Sa ngayon ay hindi na naa-access ang video na nilabas ng naturang YouTube channel.

Bakit nga ba nag-file ng electoral protest ang mga civic leaders at martial law victims?

Ang petisyon na sinampa laban kay Bongbong Marcos ay ang pagkakansela ng Certificate of Candidacy nito sa kadahilanan nagsinungaling ito sa kanyang COC kung saan wala raw siyang mga krimen na ginawa, at nais din nilang mag-release ng Temporary Restraining Order laban sa Kongreso upang itigil muna ang pagka-canvass ng mga bumoto kay Bongbong Marcos. 

Ang ibinalita ng Youtube channel ay isang misleading na balita sapagkat hindi kasama sila Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa pagsasampa ng petition laban kay Bongbong Marcos. Wala ring opisyal na pahayag ang kampo ni President Duterte na nagsasabi kay Vice President Leni na hayaang mamahala si Bongbong Marcos at hindi ito pwedeng patalsikin.

Read the full story on #PakCheck by e-Boto.

Related Fact Check:

Robredo did not file protest vs Marcos before SC

e-Boto is an online platform where you can post, share and get verified information about national and local candidates for the upcoming 2022 Philippine National Elections. It provides a perfect opportunity for you, as voters, to consider the issues you truly care about and decide which candidates are worthy of your support.