
Hindi totoo at manipulado ang diumano’y ulat ng ABS-CBN News tungkol sa isang investment scheme na ineendorso diumano nina tech billionaire Elon Musk, business tycoon Enrique Razon, at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa magkahiwalay na manipuladong bidyo, ginamit ang boses nina ABS-CBN News anchor Stanley Palisada at Pia Gutierrez gamit ang deepfake teknik para palabasin na nag-uulat sila tungkol sa isang investment scheme. Ngunit, mapapansin na hindi tugma ang buka ng kanilang bibig sa kanilang sinasabi.
Ayon sa pekeng ulat, makatatanggap ng milyun-milyong piso ang gagamit ng nasabing scheme basta’t magbibigay ng P15,000. Ineendorso umano ito nina Musk, Razon, at Marcos Jr. Pero sa orihinal na mga bidyo, walang nabanggit na anumang investment scheme.
Kinuha ang bidyo ni Palisada sa live broadcast ng News Patrol noong Pebrero 19, 2025. Samantala, kuha naman ang bidyo ni Gutierrez sa live broadcast ng The World Tonight noong Pebrero 28, 2025.
Ang orihinal na bidyo ni Musk ay mula sa kanyang panayam sa Milken Institute’s Global Conference noong Mayo 2024.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.