Misleading ang headline ng isang YouTube post na nagsasabing may “alok” umano ang presidential candidate na si Ferdinand Marcos, Jr. kay Dr. Willie Ong, ang vice presidential candidate ng Aksyon Demokratiko.
Sa isang video na inilabas ng Philippines Trending News, ginamit ang headline na, “JUST IN: KARMA na! BILANG GANTI kay ISKO, BBM may ALOK KAY DOC.WILLIE / ISKO NANLUMO sa NATUKLASAN.”
Lumabas ang post matapos pumunta si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Maguindanao, Sultan Kudarat at South Cotabato nang hindi kasama ang kaniyang ka-tandem na si Ong.
Sa nangyaring pag-iikot doon ni Domagoso, nakabandera ang mga tarpaulin kung saan ipinapares siya kay vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio, ang running mate ni Marcos.
Kung panonoorin ang video, walang bagong alok na sinabi, taliwas sa headline, kundi ikinuwento lang ni Ong na kinausap siya noon ng iba’t ibang tumatakbo ngayon sa pagkapresidente, kabilang si Marcos.
Ayon kay Ong, inalok siya ni Marcos na tumakbong senador sa ilalim ng kaniyang slate.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.