
Hindi totoong naghain ng impeachment complaint si Bise Presidente Sara Duterte o sinuman laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Hindi rin totoong “inaprubahan” at “inaksyunan” na ito ng Korte Suprema.
Sa mga posts na kumalat sa YouTube, Facebook, at Tiktok, sinasabing mayroong impeachment complaint na inihain laban kay Marcos na tinatawag nilang “Kuting Jr.” Hindi tinukoy kung sino ang naghain ng reklamo sa ilang post, habang sa iba naman ay sinasabing inihain ito ni Duterte.
Bukod pa rito, sinasabi ng ilang post na diumano’y inaprubahan na at sinimulan nang imbestigahan o pag-aralan ng Korte Suprema ang naturang reklamo na layong patalsikin si Marcos dahil sa “katiwalian,” “pang-aabuso ng kapangyarihan,” at “paglabag sa Konstitusyon.”
Dagdag pa sa ibang post, ibinunyag diumano ng ilang retiradong opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) ang mga “kahina-hinalang transaksyon at desisyon” at mga “iregularidad” ng administrasyong Marcos, at handa umano ang ilan sa mga ito na tumestigo.
Puno ng maling impormasyon ang mga post na ito.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.