FALSE

CLAIM: May larawan si first lady Liza Araneta-Marcos kasama ang mga judge ng International Criminal Court.

RATING: HINDI TOTOO

Naging usap-usapan sa social media ang larawan ni first lady Liza Araneta-Marcos kasama ang dalawang babae, na maling kinilala ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang mga hukom ng International Criminal Court na pumirma sa kaniyang warrant of arrest.

Sinabi ng mga tagasuporta ni Duterte sa kanilang mga post na ang pag-aresto sa dating pangulo ay premeditated, dahil umano’y nagkaroon na ng malapit na ugnayan ang first lady sa mga hukom bago pa man ang pag-aresto.

Ang unang babae sa larawan, na maling tinukoy bilang si Judge Iulia Motoc, ay si Katrina Roman Quintas, ang may-ari ng Quintas-Mayenberger Inc.

Ang larawan na ginamit sa pekeng post ay uploaded sa Threads account ni Quintas.

Si Katrina Ponce Enrile naman na anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, ay maling tinukoy bilang si Judge Socorro Flores Liera.

Basahin ang buong kuwento sa PressOne.PH.

PressONE.PH is an independent news and information website covering the Philippines for the Filipino and global audiences. Our mission is to provide OPINION and NEWS that EMPOWER readers and help make sense of the digital and interconnected world. Behind PressONE.PH is a team of experienced reporters and editors committed to the cause of responsible journalism and the free press for the common good, and the fight against fake news and propaganda.

pressone.ph